Saturday, January 23, 2010

Kelan ba nagsimula ang TV?

Kelan nga ba nagsimula ang tv? Ang natatandaan ko lang, nung bata pa ko, malimit andun ako sa kapitbahay namin. Nakikipanood pa ako nun. Nakatanghod sa bintana, pinanonood mga lumang pelikula nina Bentot at Pugo. Black & White pa. Di ko pa naiisip nun kung pa'no ba nagkakaroon ng mga gumagalaw na larawn sa harap ng baol na gawa sa kahoy.

Laking tuwa ko nung makabili ng bagong tv ang tatay ko. RADIOWEALTH pa nga ang tatak. Ang nakakatuwa sa tebelisyong eto (telebisyon ba? Ay oo nga!), meron etong de-slide na pinto. Kahit di mo patayin, kapag sinara mo yung dalawang cover na pinto (de slide pa nga, kulit mo!), kusang namamatay. At maganda dito, kusang bumubukas kapag tinulak mo pabuka yung sliding doors. Nung araw, 'top of the line' na yun, high tech na.

Dito ko napanood ang pagtapak ni Armstrong sa buwan. Madaling araw yun, pupungas-pungas pa nga ko nang gisingin ako ng tatay ko, "nasa buwan na daw ang tao!!!" Di ko dati ma gets yun, kasi pobreng paslit lang ko 'nun...alam ko lang mag'dyolen' at magpiko! Maraming magagandang alaala ang tv na yun. Dun kami sabay-sabay manood (nanay,tatay at pitong mga kapatid ko), ng variety shows nina Nestor de Villa at Nida Blanca...ni Dolphy, Babalu at Panchito. Sa hapon, aabangan ko yung GIGENTOR, tapos yung SAMURAI, COMBAT, Wid-wild West at Kung Fu...sa lokal 'yung APOLO saka ke Ramon Zamora,"Dragon" ba yun? Pasensya na matagal na kasi (1970's pa yata).Bago ko makalimutan, dito ko rin sa tv na eto ko unang napapanood ang TAWAG ng TANGHALAN.

Makalipas ang mga taon, medyo umasenso na. Me Colored tv na kami, gawa sa kahoy pa ang kabinet...iba-ibang modelo...kadalasan SONY? Bakit kanyo? Kasi technician na noon Kuya Benny ko...at dun ako nagsimulang mamulat sa mundo ng electronics.